Sunday, June 7, 2009

hunting of requirements:))

June 7, 2009

Ang dami naming requirements kahit na first week pa lang.
Kasama ko si darrel:P This day, first stop namin ang RECTO- murang bilihan daw kasi ng textbooks e. Ang dami kong kailangang textbook kaso, isa lang nabili ko. And that is the HOME ECONOMICS III textbook. Mahal pa rin kasi kahit nasa recto kana talaga. Yung gusto kong book for Chemistry umaabot ng isang libo- huh no way hahahah:)) makakasurvive din ako diyan:D sayang din yung pera ko kung di ko naman babasahin- haha joke. Pero gusto ko talagang bilhin yun kasi colored yung book ee...magkakasundo kami kung ganun:))

Next stop... MERCURY DRUG STORE- gamot? kasama na rin yun, may ubo rin ako e, pero yung bibilhin talaga yung surgical gloves and mask. Surgical gloves lang yung nakuha ko, may mask nga pero white naman, color coding pa rin kasi hanggang sa mask:P haaay.

Last stop, MEGAMALL. atlas of the frog daw? ang daming tao sa bookstore! mapa-national or powerbooks. ayun tumingin nalang ako ng books kasi puro unavailable e. waa! nagulat ako, ang dami ng SAGA! amp:(( dati halos magkaubusan ng books ng twilight [last school year.] tapos ngayon, saga pa mismo yung mabibili, at super mura niya compared dati. haaay kakpanghinayang. pero ayos lang, at least nabasa ko na ang buong saga bago pa mag start ang school year na toh! hahah

ayun lang. nag share lang ng experience this day, kakapagod ee:D

1 comment:

  1. Required na kayo ng TLE Book?
    Ano ba yung chem book? Prentice Hall or yung isa pang klase na parang prentice? Kahit 2nd hand mahal pa rin ba? Di ka bumili ng back issues ng Candy? Ang daming ganun sa Recto. Haha.

    Di ka nagsabi. 1 box yung surgical gloves namin dito. Kaso hahanapin ko pa. :P

    Nyak. Naunahan mo pa ako sa Breaking Dawn. Haha. :D

    ReplyDelete